Pages Menu

Posted by on May 18, 2011 in Loan Accounts News, Press Room

Yolanda Tiongco, isang BFS Happy Homeowner mula Negros Occidental

Yolanda Tiongco, isang BFS Happy Homeowner mula Negros Occidental

Ang BFS ay ang pangunahing special assets management and mortgage servicing company na tumutulong ayusin ang 52,000 loan accounts ng Balikatan Housing magmula 2005. Katuwang ang BFS upang maisakatuparan ang pangarap sa pabahay ng libu-libong mga Pilipino.

Si Yolanda Tiongco ay taga-Carmela Valley Homes, Talisay City, Negros Occidental. Gaya ng iba, huminto siyang magbayad ng utang sa bahay nang mawalan ng trabaho ang kanyang asawa. Hindi niya naisip na maaring mawala ang pangarap na bahay isang araw.

Mabuti na lamang at nailipat sa BFS ang kanyang account at nagkaroon si Yolanda ng panibagong pagkakataon para ayusin ang kanyang problema sa bahay. Sa pakikipagtulungan sa BFS, naipaliwanag nang mabuti ng kanyang Account Specialist ang mga produktong pang-resolusyon na naaayon sa kanyang kakayahang pinansyal. Kinailangan ni Yolanda na lumapit sa kanyang mga kamag-anak para humingi ng tulong. “Kinausap ko yung mga kapatid ko na may kakayahan. May mga kapatid ako na nagtatrabaho sa ibang bansa.”

Naunawaan ni Yolanda na katuwang ang BFS upang lehitimong mapasakanya ang kanyang bahay. Masaya siya at nagpapasalamat sa diskwentong naibigay ng kumpanya. “Malaki po ang naitulong ng BFS. Nagawa ko ang transaksyon sa pamamagitan ng bangko. Nakaiwas po ako sa malaking gastusin. BFS served me well.”

“Kailangan talaga na i-settle yong account kaagad. Nagpapasalamat ako na naayos ko ang aking pagkakautang sa bahay,” pagtatapos ni Yolanda.

Most recent articles