BFS: Seguridad para sa mga borrowers ngayon at bukas
Masayang tinanggap nina G. at Gng. Manuel Lerio ang kanilang Transfer Certificate Title (TCT) mula kay BFS account specialist Sheila Casasola para sa kanilang bahay at lupa sa Crystal Plaza Subd, San Pascual, Batangas BFS: Seguridad para sa mga borrowers ngayon at bukas Magmula nang mailipat sa BFS ang pamamahala sa isang portfolio ng non-performing loans mula sa National Nome Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2005, nagsikap itong palawigin ang pagtulong sa pamilyang Pilipino tungo sa pinapangarap na bahay. Ang BFS ay ang kauna-unahang pribadong mortgage servicing company sa Pilipinas na siyang nagbibigay daan para ayusin ang nasabing mga non-performing loans na 10-15 taong nang hindi bayad. May higit sa 25,000 borrowers na ang nakapag-ayos ng kanilang pagkakautang sa bahay sa pamamagitan ng mga abot-kayang programang pang-resolusyon ng BFS gaya ng Extended Panalo Max. Ito’y patunay sa kagustuhan ng kumpanyang magkipagtulungan hanggang sa maging tagapag-may-ari ng bahay at lupa ang mga borrowers, at magkaroon ng seguridad. Sina Jennifer Figuerra, Wilfredo Alipio, Isidro Jandusay at Glenda Lerio ay kabilang sa...
