Extended Panalo Max nakatulong sa Cavite, Laguna borrowers – BFS
(PJ Tonight Sunday) Naghain ang BFS ng programang Extended Panalo Max upang matulungan ang mga Balikatan borrowers mula sa Cavite at Laguna na nasalanta ng Bagyong Maring na gustong ayusin ang kanilang pagkakautang sa bahay. “Ang Extended Panalo Max ay base sa estado ng bawat kwalipikadong account. Ito din ay magandang pagkakataon upang maresolba ng mga borrowers ang kanilang utang sa bahay at magkaroon ng home equity. Layon ng BFS na magkaroon ng positibong home equity ang mga Pilipino,” paliwanag ni Juno Henares, BFS Corporate Communication Head. Ang ‘equity’ ay ang halaga ng bahay pagkatapos mabayaran ang utang. Habang nababayaran ang utang sa bahay, tumataas ang halaga ng equity. Sina Flora Mesa, Maria Lourdes del Rosario, Myrna Cawaling at Lutgarda Cepillo ay mga ginang mula Cavite at Laguna na kabilang sa mga borrowers na naisaayos ang kanilang mga utang sa bahay sa pakikipagtulungan sa BFS. “Sinuportan ako ng aking pamilya at kaibigan tungo sa layunin na mabayaran ang aking account,” pagbabahagi ni Gng. Myrna Cawaling ng San Lorenzo South,...
