Pages Menu

Posted by on May 20, 2011 in Loan Accounts News, Press Room

Joel Micarte, isang BFS Happy Homeowner mula sa Davao

Joel Micarte, isang BFS Happy Homeowner mula sa Davao

Masayang tinanggap ni Gng Zenaida Micarte, maybahay ni G. Joel Micarte, ang kanyang TCT mula kay BFS Account Specialist Irwin Aton

Si Joel Micarte ay isa lamang sa libu-libong natulungan ng BFS na maging lehitimong may-ari ng kanyang bahay at lupa sa Roseville Subd., Lanang, Davao City.

Lima ang anak ni Joel at lahat ay pawang mga nag-aaral pa kaya kapos ang kanyang kinikita bilang fork lift operator para matugunan ang kanyang mga obligasyon. Napabayaan ni Joel ang pagbabayad sa kanyang bahay at lupa. Hindi niya naisip na maaring tuluyang mawala ang hinuhulugang bahay isang araw.

Mabuti na lamang at nailipat ang kanyang account sa BFS noong 2005 at nagkaroon si Joel ng panibagong pagkakataon para ayusin ang kanyang problema sa bahay. Sa pakikipagtulungan sa BFS, naipaliwanag nang mabuti ng kanyang Account Specialist ang mga produktong pang-resolusyon na naaayon sa kanyang kakayahang pinansyal. Kinailangan ni Joel na lumapit sa kanyang mga kamag-anak para humingi ng tulong.

“Masaya ako. Dapat magbayad talaga ng utang. Natuwa kami dahil napunta sa BFS ang aming account at nakaya naming bayaran. Wala na po akong masabi kundi maraming maraming salamat sa tulong ninyo at sa wakas, napasaamin na ang bahay naming.” pagtatapos ni Joel.

Ang BFS ay ang pangunahing special assets management and mortgage servicing company na tumutulong ayusin ang 52,000 loan accounts ng Balikatan Housing magmula 2005. Katuwang ang BFS upang maisakatuparan ang pangarap sa pabahay ng libu-libong mga Pilipino.

Most recent articles