Pages Menu

Posted by on Jun 27, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

BFS, Tagasulong ng Pangarap sa Bahay

BFS, Tagasulong ng Pangarap sa Bahay

(Abante)

Masayang tinanggap ni Gng. Narnie Flores ang kanyang Transfer Certificate Title (TCT) mula kay BFS account specialist Marilen Brual para sa kanyang bahay at lupa sa Palmera Homes, Northwinds Bul

BFS, Tagasulong ng Pangarap sa Bahay

Naniniwala ang BFS, ang servicer ng 52,000 highly delinquent loan accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation, sa pagbibigay ng pagkakataon na isulong ang pangarap ng mga Balikatan borrowers na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Magmula nang hawakan nito ang nasabing mga loan accounts noong 2005, patuloy ang pagbibigay ng nito ng mga offer tulad ng Extended Panalo Max, nang sa gayon ay makapagresolba ang mga borrowers at magkaroon ng panibagong simula.

Sa pakikipagtulungan sa BFS at dahil sa sariling pagsisikap, sina Julian Sy, Narnie Flores, Bonifacio Liston Jr, at Mary Jane Tolentino ay nakamit ang matagal nang pinapangarap – ang tuluyang maisaayos ang utang sa bahay at lupa at magkaroon ng pamana para sa mahal sa buhay.

Sabi ni G. Julian Sy ng Villa Lina Subd, Balanga City, Bataan, “Masayang masaya kami at ang aking buong pamilya dahil naayos din. Kailangang kunin ang oportunidad gaya ng Panalo Max dahil mahalagang magkaroon ng sariling bahay at lupa.”

“Kailangan gumawa tayo ng paraan upang mabayaran ang ating pagkakautang. Napakagandang pagkakataon itong offer na ibinigay sa akin ng BFS, ” bahagi naman ni Gng. Narnie Flores ng Palmera Homes, Northwinds, Bulacan.

“Ang isang mahalagang natutunan namin ay ang pagiging responsable, lalo na sa ating mga bayarin. Mabuti na lamang at tinulungan kami ng BFS hanggang sa maging maayos ang lahat,” dagdag ni G. Bonifacio Liston Jr ng Camella Homes, Cebu.

Pagtatapos ni Gng. Mary Jane Tolentino ng Landheights Subd., Arevalo, Iloilo, “Huwag magdalawang-isip na makipag-usap sa BFS o humingi ng payo. Madalas ay nauunahan tayo ng takot na harapin ang ating obligasyon pero laging may solusyon, kung talagang nais nating ayusin ito.”

Most recent articles