Mga Komunidad, Napapaunlad sa Tulong ng Property Management ng BFS
(Dyaryo Ngayon) Mula nang maging tagapamahala ng isang residential loan portfolio na may 52,000 highly delinquent accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2006, ang mortgage servicing company na BFS ay patuloy na nagpapatupad ng mga best asset management practices. Sa pamamagitan ng kanilang property management unit, pinangangasiwaan ng BFS ang daan-daang abandoned o foreclosed properties na matatagpuan sa 200 barangay sa buong Pilipinas. Pinamamahalaan ng BFS ang lahat ng aspeto ng property management, upang matiyak ang marketability ng mga ari-arian na ito. Nakikipagtulungan ang BFS Property Management Services sa iba’t ibang service partners na siyang nagpapadala ng mga tagapangalaga at tagapagpanatili ng seguridad ng mga ari-ariang hawak nito. Dahil dito, nakakatulong sa paggawa ng trabaho ang BFS, at nakasisiguro na mas maayos ang pakikipag-ugnayan ng mga komunidad at ng mga awtoridad sa pag-aalaga ng mga ari-arian laban sa illegal occupancy. Tinitiyak din ng BFS Property Management Services na ang mga ari-arian ay nasa mabuting kundisyon. Nire-repair ang mga ari-arian kung kinakailangan, upang maiwasan ang pagkasira....