Pages Menu

Posted by on Sep 23, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

Pagtulong ng BFS sa mga Borrowers ng Cavite at Laguna

Pagtulong ng BFS sa mga Borrowers ng Cavite at Laguna

Masayang tinanggap ni Gng. Myrna Cawaling ang kanyang Transfer Certificate of Title mula sa isang BFS account specialist.

Labis na nasalanta ang Cavite at Laguna ng nagdaang Bagyong Maring. Kaya naman patuloy ang paghahain ng BFS ng mga programa tulad ng Extended Panalo Max upang matulungan ang mga Balikatan borrowers na gustong ayusin ang kanilang pagkakautang sa bahay.

“Ang Extended Panalo Max ay base sa estado ng bawat kwalipikadong account. Ito din ay magandang pagkakataon upang maresolba ng mga borrowers ang kanilang utang sa bahay at magkaroon ng home equity. Layon ng BFS na magkaroon ng positibong home equity ang mga Pilipino,” paliwanag ni Juno Henares, BFS Corporate Communication Head. Ang ‘equity’ ay ang halaga ng bahay pagkatapos mabayaran ang utang. Habang nababayaran ang utang sa bahay, tumataas ang halaga ng equity.

Sina Flora Mesa, Maria Lourdes del Rosario, Myrna Cawaling at Lutgarda Cepillo ay mga ginang mula Cavite at Laguna na kabilang sa mga borrowers na naisaayos ang kanilang mga utang sa bahay sa pakikipagtulungan sa BFS.

“Sinuportan ako ng aking pamilya at kaibigan tungo sa layunin na mabayaran ang aking account,” pagbabahagi ni Gng. Myrna Cawaling ng San Lorenzo South, Sta. Rosa, Laguna.
Ayon kay Gng. Flora Mesa ng Diamond Village, Dasmarinas, Cavite, “Nakipag-ugnayan ako sa BFS upang mabayaran ang utang sa bahay kaysa mawala sa amin ito. Salamat at pinadali naman ng BFS ang proseso.“

“Salamat pa rin sa BFS sa pagtulong sa amin,” ang pagbabahagi ni Gng. Maria Lourdes del Rosario ng Southplains Subd., Binan, Laguna na tinulungan ng kanyang anak para makabayad.

“Kung hindi dahil sa BFS ay wala sana kaming bahay ngayon. Masaya kami ng aking pamilya at nagkaroon ng ganitong pagkakataon,” pagtatapos ni Gng. Lutgarda Cepillo ng Camella Homes Springville, Bacoor, Cavite.

Most recent articles