Pages Menu

Posted by on Oct 17, 2013 in Press Room, Properties News

Pagbili ng BFS Properties: Magandang Negosyo ayon sa Negosyanteng Caviteno

Pagbili ng BFS Properties: Magandang Negosyo ayon sa Negosyanteng Caviteno

(Abante Tonite)
May negosyo sa pre-owned properties. Ito ang ginawang pagbabahagi ni. G. Reymualdo Orinday, isang masayang property buyer mula Cavite na nakabili na ng walong pre-owned properties mula sa BFS.

Paglalahad ni G. Orinday, “Isa akong negosyante na may construction supply. Naisip kong mag-invest sa mga properties ng BFS bilang paghahanda sa aking pagreretiro. Bumibili ako ng mga bahay sa magandang presyo, inaayos ang mga ito gamit ang mga materyales ko sa negosyo, at pinaparentahan ko. Ang lahat ng walong properties ko ay may nangugupahan sa ngayon. Natutuwa ako at naging kapaki-pakinabang ito para sa akin at sa aking pamilya. Kahit papano ay may return on investment na ako.”

“Para sa mga katulad kong negosyante, napakalaking bagay na may mabibiling mga BFS pre-owned properties sa abot-kayang halaga. Nakapamili din ako mula sa mga maaayos na subdibisyon.”

Ang mga BFS pre-owned properties ay nagsisimula sa napakababang halaga na P150,000 pataas. Makakapamili mula sa higit 3,000 bahay na nasa mga developed na lugar tulad ng Laguna, Cavite, Bulacan, Rizal, Caloocan City, and Muntinlupa City. Ang mga bahay at lupa ay nasa mga progresibong residential na lugar na may mga konkretong daan, kuryente at tubig. At dahil ang mga BFS’ pre-owned properties ay abot kaya, nakikinabang ang mga micro-entrepeneurs at mga negosyanteng tulad ni G. Orinday. Sa huli, nagkakaroon sila ng capital appreciation at lalong gumaganda ang potensyal na kumita dahil sa magandang purchase price at lokasyon ng bahay.

“Naging maayos ang mga transaksyon ko sa BFS, kasi hindi naman ako bibili ulit kung hindi ako satisfied buyer, hindi ba? Sa katunayan, hinihikayat ko ang aking mga kaibigan na subukang bumili mula sa BFS,” pagtatapos ni G. Orinday.

Ang BFS ang mortgage servicer para sa portfolio ng 52,000 highly delinquent loan accounts mula sa NHMFC mula 2005. Ang kumpletong listahan ng BFS’ pre-owned properties ay makikita sa www.bfs.com.ph/property.

Most recent articles