Pages Menu

Posted by on Jan 31, 2013 in Corporate News, Loan Accounts News, Press Room, Properties News

Mga Komunidad, Napapaunlad sa Tulong ng Property Management ng BFS

Mga Komunidad, Napapaunlad sa Tulong ng Property Management ng BFS

(Dyaryo Ngayon)

Mula nang maging tagapamahala ng isang residential loan portfolio na may 52,000 highly delinquent accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2006, ang mortgage servicing company na BFS ay patuloy na nagpapatupad ng mga best asset management practices.

Sa pamamagitan ng kanilang property management unit, pinangangasiwaan ng BFS ang daan-daang abandoned o foreclosed properties na matatagpuan sa 200 barangay sa buong Pilipinas. Pinamamahalaan ng BFS ang lahat ng aspeto ng property management, upang matiyak ang marketability ng mga ari-arian na ito.

Nakikipagtulungan ang BFS Property Management Services sa iba’t ibang service partners na siyang nagpapadala ng mga tagapangalaga at tagapagpanatili ng seguridad ng mga ari-ariang hawak nito. Dahil dito, nakakatulong sa paggawa ng trabaho ang BFS, at nakasisiguro na mas maayos ang pakikipag-ugnayan ng mga komunidad at ng mga awtoridad sa pag-aalaga ng mga ari-arian laban sa illegal occupancy.

Tinitiyak din ng BFS Property Management Services na ang mga ari-arian ay nasa mabuting kundisyon. Nire-repair ang mga ari-arian kung kinakailangan, upang maiwasan ang pagkasira. Dahil dito, nase-secure ang property insurance, nababayaran ang real property taxes, at nalalagyan ng kuryente at ibang utility services ang mga ito.

Ang lahat ng ito’y nagdudulot ng pang-unlad ng mga komunidad, dahil tumataas ang halaga ng mga ari-arian.

“Ang mabuting pamamahala ng mga ari-arian ay makakatulong sa mga komunidad. Mayroong economic impact ang ginagawa ng BFS, dahil ang mga abandoned properties ay muling nagiging productive. Bukod pa dito, may trabahong naibibigay, at ang mga bagong may-ari ay nagbabayad ng buwis,” paliwanag ni Atty. Emannuel Baguioro, Head ng Property Management Unit ng BFS. “Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang mapanatiling nasa maayos na kundisyon ang mga ari-arian hanggang sa tirhan na sila ng kanilang mga bagong may-ari. At dahil umuunlad ang mga komunidad dahil sa aming mga ginagawa, may social impact din sa kanila.”

Ang mga ari-arian na pinamamahalaan ng BFS ay nagiging attractive sa mga nag-iisip na bumili ng mga bahay sa abot-kayang halaga.

Ang property management operations ng BFS ay para sa mga abandoned o foreclosed properties nito magmula Luzon hanggang Mindanao.

Most recent articles