Pages Menu

Posted by on Nov 28, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

Kilalanin ang mga bagong homeowners sa tulong ng BFS

Kilalanin ang mga bagong homeowners sa tulong ng BFS

(Abante Tonite)

Malaking suliranin ang pagkakaroon ng utang sa bahay, lalo kung ito ay hindi nabayaran sa loob ng 10-15 taon. Kaya’t nang mapunta sa pamamahala ng BFS ang portfolio ng highly delinquent loan accounts mula sa NHMFC, itinuring ito nina Gng. Maria Lourdes Escandor ng San Lorenzo, Sta. Rosa, Laguna at Gng. Evangeline Reinoso ng North Olympus, Bo. Novaliches, Quezon City bilang bagong pagkakataon tungo sa pagkakaroon ng sariling bahay.

“Kailangang huwag palagpasin ang mga ganitong pagkakataon. Malaking bagay para sa amin na makapagresolba ng matagal na pagkakautang sa bahay sa tulong ng BFS. Totoong laging may paraan kung nais ayusin ang anumang problema, at kung handang magpursige.” “Matiyagang ipinaliwanag sa amin ng aming account specialist kung anu-ano ang mga options hanggang sa maaprubahan ang settlement amount. Maraming salamat sa BFS para sa pagkakataon na mapasaamin itong bahay,” pagbabahagi ni Gng. Escandor.

Si Gng. Reinoso, tulad din ng ibang mga borrowers, ay nagkulang at pumalya sa pagbabayad sa utang sa bahay. “Mabuti at nalipat sa BFS ang aming account. Palagay ko ay hindi namin maaayos ito kung hindi kami tinulungan at binigyan ng BFS ng abot-kayang settlement amount. Syempre kinailangan naming gumawa ng paraan. Salamat BFS sa pakikipagtulungan ninyo sa amin upang tuluyang matapos itong problema namin sa bahay. Sana’y marami pa kayong matulungan,” pagtatapos ni Gng. Reinoso.

Ang BFS ang siyang naging servicer ng 52,000 highly delinquent loan accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) mula pa 2005. Ito rin ang nagbibigay ng panibagong pagkakataon upang isulong ang pangarap ng libu-libong Balikatan borrowers na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Most recent articles