Pages Menu

Posted by on Jun 25, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

BFS: Tulay sa Sariling Tahanan at Magandang Kinabukasan

BFS: Tulay sa Sariling Tahanan at Magandang Kinabukasan

Masayang tinanggap ni Mrs. Eulogia Canillo ang kanyang Transfer Certificate Title (TCT) mula kay BFS account specialist Sheila Casasola para sa kanilang bahay at lupa sa Summerwind Village, Dasmarinas, Cavite.

Taong 2005 nang magsimula ang BFS sa pagseserbisyo ng 52,000 highly delinquent loan accounts ng Balikatan Housing. Ang nasabing mga loan accounts ay nagmula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) at nasa may 10 hanggang 15 taon nang hindi nababayaran.

Layunin ng BFS na makipagtulungan sa mga account holders upang magkaroon ng kalutasan ang pagkakautang sa bahay. Dahil pribadong kumpanya at may kakayanan sa mortgage servicing, nakapaghahain ang BFS ng mga produktong pang-resolusyon tulad ng Extended Panalo Max na may penalty at interest condonation upang maging abot-kaya ang bayarin sa mga borrowers.

Sina Araceli Baltazar, Vivian Tabalan, at Rolando Canillo, mga Balikatan borrowers mula Cavite, ay ilan lamang sa mga naging mga lehitimong tagapagmay-ari ng kanilang mga bahay nitong taon. Kabilang sila sa libu-libong mga borrowers na naisaayos ang kanilang pagkakautang sa tulong ng BFS.

“Alam kong may obligasyon ako sa aking pamilya na ayusin ang pagkakautang sa bahay upang hindi ito mawala sa amin. Salamat at napapunta sa BFS ang aking account,” sabi ni Gng. Araceli Baltazar ng Camella Homes, Bacoor, Cavite.

Dagdag naman ni Gng. Vivian Tabalan ng Diamond Village, Dasmarinas, Cavite, “Marami po akong natutunan gaya ng pagiging responsable para bayaran ang mga obligasyon sa bahay, tamang pamamahala ng mga bayarin at pagba-badyet ng pera.”

Si G. Rolando Canillo ng Summerwind Village, Dasmarinas, Cavite ay nagpapasalamat din sa BFS. “Masarap ang pakiramdam pagkatapos resolbahin ang matagal na problema sa bahay. Lalo na at doon na kami tumira ng 20 years at doon na lumaki ang aking anak.”

Most recent articles