Pages Menu

Posted by on Jun 26, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

BFS: Seguridad para sa mga borrowers ngayon at bukas

BFS: Seguridad para sa mga borrowers ngayon at bukas

Masayang tinanggap nina G. at Gng. Manuel Lerio ang kanilang Transfer Certificate Title (TCT) mula kay BFS account specialist Sheila Casasola para sa kanilang bahay at lupa sa Crystal Plaza Subd, San Pascual, Batangas

BFS: Seguridad para sa mga borrowers ngayon at bukas
Magmula nang mailipat sa BFS ang pamamahala sa isang portfolio ng non-performing loans mula sa National Nome Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2005, nagsikap itong palawigin ang pagtulong sa pamilyang Pilipino tungo sa pinapangarap na bahay.

Ang BFS ay ang kauna-unahang pribadong mortgage servicing company sa Pilipinas na siyang nagbibigay daan para ayusin ang nasabing mga non-performing loans na 10-15 taong nang hindi bayad. May higit sa 25,000 borrowers na ang nakapag-ayos ng kanilang pagkakautang sa bahay sa pamamagitan ng mga abot-kayang programang pang-resolusyon ng BFS gaya ng Extended Panalo Max. Ito’y patunay sa kagustuhan ng kumpanyang magkipagtulungan hanggang sa maging tagapag-may-ari ng bahay at lupa ang mga borrowers, at magkaroon ng seguridad.

Sina Jennifer Figuerra, Wilfredo Alipio, Isidro Jandusay at Glenda Lerio ay kabilang sa libu-libong mga borrowers na natulungan ng BFS nitong nakaraang pitong taon.

Sabi ni Jennifer Figuerra ng Welmanville Subd., Lucena City, “Lumaki ang aming utang sa matagal na panahon ng hindi pagbabayad. Kaya’t labis ang pasasalamat namin sa BFS kasi’y natulungan kami na maresolba ito.”

“Bayaran ang utang sa takdang oras para maiwasan ang penalties at mas lalong magiging mahirap makabayad. Nagpapasalamat ako at ang aking buong pamilya sa tulong ng BFS,” dagdag naman ni Wilfredo Alipio ng Villa de Calamba, Calamba, Laguna.

Ganon din ang saloobin ni G. Isidro Jandusay ng Silcas Village, Binan, Laguna at Gng. Glenda Lerio ng Crystal Plaza Subd, San Pascual, Batangas: kailangang bayaran ang utang. “Hindi naman nagkulang ang BFS sa paliwanag at malaki ang naitulong nila sa akin,’ sabi ni G. Jandusay. Dagdag naman ni Gng. Lerio, “Masaya ako at naisaayos namin ang pagkakautang sa bahay. Salamat BFS sa pag-alalay sa amin hanggang maresolba ang aming account.”

Most recent articles