Pages Menu

Posted by on Mar 19, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

BFS, nakikipag-ugnayan sa mga Balikatan account holders upang makatulong sa paglutas ng utang sa bahay

BFS, nakikipag-ugnayan sa mga Balikatan account holders upang makatulong sa paglutas ng utang sa bahay

Ang pioneer mortgage servicing company na BFS ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Balikatan account holders at naghahanap ng paraan upang matulungan ang mga ito na malutas ang kanilang mga utang sa ari-arian.

Mula nang mabigyan ng pagkakataon na maisaayos ang portfolio ng 52,000 delinquent accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2005, masikap ang BFS sa pagpapaliwanag ng mga resolution options upang maresolba ang mga housing loan obligations ng account holders.

Ang BFS ay mayroong regional coverage, at ang kanilang mga account specialists ay regular na bumibisita sa mga account holders. Para sa kanilang Mindanao outreach, ang mga BFS account specialists ay nagsagawa ng door-to-door visits sa General Santos City upang ipaliwanag ang iba’t ibang mga resolution programs, katulad ng Panalo Max. Ang Panalo Max ay ang pinakahuling affordable settlement pricing offer ng BFS sa mga qualified borrowers, kung saan maaaring i-waive ang mga penalties at interes ng mga may utang.

Nauna nang nagsagawa ng pagbisita sa mga barangay sa iba’t ibang lugar sa Luzon, katulad ng Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas, at Rizal.

“Ang pagsagawa ng mga monthly field visits ay nakakatulong sa BFS at sa aming mga account holders,” paliwanag ni Ma. Louella Ilustre, Head ng Account Management Department ng BFS. “Ikinagagalak ng mga account holders ang mga pagbisita sa kanila, sapagkat nabibigyan sila ng pagkakataon na makapagtanong ukol sa kanilang mga account at bigyang linaw ang kanilang mga payment options.”

“Noong huling field visit namin, sa General Santos City, nakipag-ugnayan kami sa higit sa 1,000 borrowers. Patuloy kaming nakikipag-usap sa kanila upang matulungang malutas ang kanilang mga utang,” patuloy ni Ilustre. “Sa ganitong paraan, natutulungan naming silang maging homeowners, lalo na at marami sa kanila ang nahihirapang makabili ng sariling bahay. Natutuwa kami tuwing makakapagbigay kami ng Transfer Certificate of Title sa mga account holders na nagresolba ng kanilang mga utang.”

Isa sa mga natulungan ng BFS ay si Amabel Serrano, residente ng Gensanville sa General Santos City. “Ang Panalo Max offer ng BFS ay malaking tulong sa akin. Kung walang ganito, mahihirapan akong malutas ang aking housing loan,” sabi niya. “Ngayon, isa na akong ganap na homeowner, salamat sa BFS.” Ang kwento ni Amabel ay tulad ng libu-libong account holders mula Luzon hanggang Mindanao na natulungan ng BFS.

“Mula nang mabigyan kami ng pagkakataon na maisaayos ang Balikatan portfolio mula sa NHMFC, nakatulong kami sa higit na 24,000 pamilya na malutas ang kanilang mga utang sa ari-arian,” sabi ni Ilustre. “Patuloy kaming makikipag-ugnayan sa mga account holders, upang matulungan ang marami pang pamilya na maging lehitimong homeowners.”

Ang Panalo Max offer ay maaaring ma-avail ng mga qualified account holders hanggang Enero 31, 2013.

Most recent articles