Pages Menu

Posted by on Jun 26, 2013 in Loan Accounts News, Press Room

Panibagong Pagkakataon sa Tulong ng BFS

Panibagong Pagkakataon sa Tulong ng BFS

Masayang tinanggap nina Gng. Charity Fallarme ang kanilang Transfer Certificate Title (TCT) mula kay BFS account specialist Sheila Casasola para sa kanilang bahay at lupa sa Casa de Monteverde, GMA, Cavite.

Panibagong Pagkakataon sa Tulong ng BFS
Ang BFS ang kauna-unahang private mortgage servicing company na naglalayon isaayos ang portfolio ng non-performing loans mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Sa loob ng nakaraang pitong taon, nakikipagtulungan ang BFS sa pamamagitan ng paghahain ng mga programang pang-resolusyon tulad ng Extended Panalo Max na angkop sa laki ng utang, estado ng account at kakayahang magbayad ng mga borrowers. Hangad ng BFS na maresolba ang portfolio ng non-performing loans at magbigay ng panibagong pagkakataon.

Sina Charity Fallarme, Nenita Ragonjan, Felix Irlanda at Manuel Capalaran ay kabilang sa higit sa 25,000 borrowers na natulungan ng BFS na maisaayos ang utang sa bahay at magkaroon ng bagong simula.

“Salamat sa BFS dahil labis na nabawasan ang charges at penalties at nabayaran ko ang utang sa bahay,” ayon kay Gng. Charity Fallarme ng Casa de Monteverde, GMA, Cavite.

“Kailangang maging masinop upang maiayos ang obligasyon sa bahay. Kailangan ding maging masinop sa pagbili ng ari-arian,” sabi naman ni Gng. Nenita Ragonjan ng Trinidad Village, Bacolor, Pampanga

Pagbabahagi naman ni G. Felix Irlanda ng Tierra Monte, San Mateo, Rizal, “Masaya ako dahil napunta pa rin sa amin ang bahay at hindi sa iba. Natutunan kong kailangan ng konting tiyaga para makaipon at para resolbahin ang utang sa bahay.

Si Manuel Capalaran, isang OFW, ay nagsikap ayusin ang kanyang utang sa bahay sa Camella Homes, Springville, Bacoor, Cavite. Sabi ni G. Capalaran, “Salamat sa BFS at hindi kayo nagsawa sa amin kahit medyo natagalan bago namin malikom ang pondo.”

Most recent articles