BFS, nakikipag-ugnayan sa mga Balikatan account holders upang makatulong sa paglutas ng utang sa bahay
Ang pioneer mortgage servicing company na BFS ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Balikatan account holders at naghahanap ng paraan upang matulungan ang mga ito na malutas ang kanilang mga utang sa ari-arian. Mula nang mabigyan ng pagkakataon na maisaayos ang portfolio ng 52,000 delinquent accounts mula sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) noong 2005, masikap ang BFS sa pagpapaliwanag ng mga resolution options upang maresolba ang mga housing loan obligations ng account holders. Ang BFS ay mayroong regional coverage, at ang kanilang mga account specialists ay regular na bumibisita sa mga account holders. Para sa kanilang Mindanao outreach, ang mga BFS account specialists ay nagsagawa ng door-to-door visits sa General Santos City upang ipaliwanag ang iba’t ibang mga resolution programs, katulad ng Panalo Max. Ang Panalo Max ay ang pinakahuling affordable settlement pricing offer ng BFS sa mga qualified borrowers, kung saan maaaring i-waive ang mga penalties at interes ng mga may utang. Nauna nang nagsagawa ng pagbisita sa mga barangay sa iba’t ibang lugar sa Luzon,...